I. Bulag na Kwago- ni Sadeq Hedayat
Kalinangan Workteks sa Filipino (Wika at Panitikan) para sa Hayskul 10
II. Buod:
Ang kwentong ito ay ukol sa isang lalaking pintor. Siya ay isang pesimista na dumaranas ng matinding depresyon. Ang lalaking ito ay lulong sa droga at isang lasinggero. Wala siyang ibang pininta kundi ang isang babaeng nakaitim at ang isang matandang lalaki na pinaghihiwalay ng ilog.Isang araw, may pumuntang babae sa bahay ng pintor kung saan walang awang pinagsasasaksak ng pintor ang babae. Iyon ang ala alang gumigimbal sa isipan ng pintor.
Ang kwentong ito ay sumisimbolo lamang sa buhay ng isang bakla na hindi tanggap ng kanyang lipunan. Ang baklang ito ay naging adik at nakaranas ng matinding depresyon. Ipinakita sa storya na pilit niyang pinapatay ang kanyang pagkababae.
Uri ng Pampantikan:
Ang akdang ito ay isang maikling kwento. Ang maikling kwento ay may layuning magsalaysay ng pangyayari.
Mga Tayutay:
1) Ginamit rito ang tayutay na Personipikasyon. Ang Personipikasyon ay ang pagbibigay buhay sa mga bagay na walang buhay
Halimbawa:
May araw na sumilay sa aking buhay
2) Gumamit rin ng Pagmamalabis (Hayperbole) kung saan exaggerated ang isang bagay
Halimbawa:
Ang pagkalunod sa alak
Sariling Reaksyon:
1) Teoryang Pampanitikan
Makikita sa kwentong ito ang Teoryang sikolohikal. Ang Teoryang Sikolohikal ay ang teorya kung saan ipinapakita ang behavior ng isang tao.
a) Mga Tauhan:
Ang tauhan dito ay ang awtor ng maikling kwento na si Sadeq Hedayat. Ginamit lang niya bilang simbolo ang pintor na magrerepresenta sa kanya.
3) Bisang Pandamdamin:
a) Bisa sa Isip
Maiisip ng mambabasa na maraming problemang ikinakaharap sa mundo.
b) Bisa sa Damdamin
Matutunan natin dito na dapat natin parin irespeto ang tao kahit ano pa ang kasarian nila.
d) Bisa sa Lipunan
Mas proprotektahan ng lipunan ang mga karapatan ng mga LGBT. At rerespetuhin nila ito.
Bilang isang mambabasa mararamdaman mo na mahirap ang sitwasyon kung saan hindi ka tanggap ng lipunan.
c) Bisa sa KaasalanMatutunan natin dito na dapat natin parin irespeto ang tao kahit ano pa ang kasarian nila.
d) Bisa sa Lipunan
Mas proprotektahan ng lipunan ang mga karapatan ng mga LGBT. At rerespetuhin nila ito.
No comments:
Post a Comment